Inihahanda ng mga opisyal ng Brgy. UP Campus sa Quezon City ang sako-sakong bigas, tuyo at daing na bigay ng ACT-CIS para sa 150 pamilya na nakatira doon bilang dagdag na tulong sa ibinibigay na relief goods ng pamahalaan.
Dagdag na P5 bilyon hiling ng DOLE
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humihiling ng dagdag na P5 bilyong pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamahalaan para mabigyan ng tulong-pinansyal ang marami pang manggagawa na apektado ng kawalan ng trabaho habang epektibo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sinabi ni Labor Secretary  Silvestro Bello III na tinatayang 1.8 milyong manggagawa ang apektado ng krisis na ito base sa prediksyon ng National Economic and Development Authority (NEDA).

“Kaya siguro we will have to ask additional budget allotment from the national government for the social amelioration fund,” giit niya.

Sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) kung saan nagbibigay ang DOLE ng tig-P5,000 sa bawat manggagawa na walang trabaho o suweldo ngayong ECQ, aabot pa lamang sa 180,000 obrero ang kanilang nabigyan.

 

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with