83% ng mga PUI negatibo sa COVID-19
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng malaking 83 porsyentong negatibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang Department of Health (DOH) sa mga Person Under Investigation na sumailalim sa tests ng kanilang mga laboratoryo sa buong bansa.
Ito ay makarang 3,246 ang nagpositibo sa 19,585 indibidwal na isinailalim ng DOH sa COVID test nitong nakaraang Linggo.

Sa kabuuan, may 23,678 nang ginawang test ang DOH kabilang na ang mga repeat test para sa mga naunang nagpositibo sa virus at sa mga naunang hindi konklusibo ang resulta.

Sa kabila nito, hindi pa matiyak ng DOH kung umabot na o kailan aabot sa ‘peak’ o sukdulan ang bilang ng nahahawa ng virus sa bansa.  Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na maghihintay pa ang kagawaran ng apat o limang araw para may sapat nang datos para mabatid ito. 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with