Mismong si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang sumalubong sa 10 doktor at dalawang opisyal sa Ninoy Aquino International Airport nang dumating kahapon.
Department of Foreign Affairs / Nilo Palaya
12 Chinese medical experts vs COVID dumating sa Pinas
Gemma Garcia, Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dumating na sa bansa ang 12 Chinese medical experts na tutulong para labanan ang COVID-19.

Mismong si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang sumalubong sa 10 doktor at dalawang opisyal sa Ninoy Aquino International Airport nang dumating kahapon.

“The Chinese experts arrived with invaluable firsthand experiences to share on fighting and containing COVID. Thank you China,” ani Locsin.

May bitbit pang banner na may nakalagay na “Laban Pilipinas” ang mga dayuhang eksperto.

Ang nasabing mga medical experts ay magbibigay umano ng advice at assistance sa gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.

Ayon kay Chinese envoy to Manila Huang Xilian, ang nasabing Chinese Medical Expert team ay kabilang sa first three teams na ipinadala ng Chinese government sa Southeast Asian countries.

Sila rin ang mga front liners sa Hubei province na lumaban sa epidemic.

Ayon sa Department of Health, nakatakdang bisitahin ng grupo ang ilang local health facilities para masilip kung ano na ang ginagawang hakbang ng pamahalaan.

Kabilang sa mga posibleng puntahan ang San Lazaro Hospital at Lung Center of the Philippines.

Samantala, nag-donate rin ang China ng mga personal protective equipment, ventilator at mga face mask para sa mga health care workers.

TEODORO LOCSIN JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with