Lalawigan ng Rizal naka-lockdown
Rizal, Philippines — Simula ngayong Lunes ay naka-lockdown na ang buong lalawigan ng Rizal bunsod pa rin ng patuloy na pagkalat at banta ng COVID-19.
Ayon kay acting Governor Reynaldo San Juan Jr., ang lockdown ay magsisimula alas-8:00 ng umaga ngayong araw at hindi na papahintulutang makalabas ang mga residente at makapasok ang hindi nakatira sa Rizal.
Sa Executive Order No. 14 na inilabas ni San Juan ay nag-aatas ng mas mahigpit na border restriction habang umiiral ang Luzon enhanced community quarantine.
Pero nilinaw ni San Juan na ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), health workers, emergency frontliners, government workers, diplomats, media personnel, at religious ministers ay exempted sa lockdow pero kailangan pa ring dumaan sa mandatory thermal scanning o temperature check.
“Malaya pa ring makakapasok ang mga cargo trucks at mga sasakyan na nagdadala ng mga food commodities at farm inputs sa mga designated food lanes,” ani San Juan.
May 106 kumpirmadong kaso na ng COVID sa Rizal at 18 ang nasawi. Kabilang si Rizal Gov. Rebecca Ynares sa nag-positive sa virus.
- Latest