“Kaya lang wala na ka­yong makita. Kung tatagal ito talagang krisis na ito, medyo mauubos talaga. Pagkaubos na wala na rin, ako Presidente, inutil na ako, wala na akong magawa, wala na akong maibigay sa inyo, wala na akong pambili, magkikita-kita tayo diyan sa Rizal Park. Diyan mismo sa flag ni Rizal, magbigti na lang ako,” sabi ni Duterte.
Miguel de Guzman/ File
Duterte magbibigti, ‘pag wala raw nagawa sa COVID crisis
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

Pero isasama raw si Diokno

MANILA, Philippines  — Bagaman at hindi tiyak kung nagbibiro, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigti siya sa Rizal Park kung tatagal pa ang krisis ng COVID-19 at magiging inutil siya dahil wala ng magawa sa problema.

Sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi, inamin ng Pangulo na mauubos ang pera ng gobyerno at wala na siyang maibibigay sa mga mamamayan kung hindi masusugpo ang virus.

“Kaya lang wala na ka­yong makita. Kung tatagal ito talagang krisis na ito, medyo mauubos talaga. Pagkaubos na wala na rin, ako Presidente, inutil na ako, wala na akong magawa, wala na akong maibigay sa inyo, wala na akong pambili, magkikita-kita tayo diyan sa Rizal Park. Diyan mismo sa flag ni Rizal, magbigti na lang ako,” sabi ni Duterte.

Pero balak isama ng Pangulo sa pagpapakamatay si Atty. Chel Diokno na patuloy aniyang nang-iintriga sa panahon ng krisis.

“Wala na akong magawa. Marami ng patay, mara­ming umiiyak, tapos sabihin ‘Presidente…’ Wala na rin akong magawa. Pero isama ko si Diokno sa baba ko. Ako sa taas. Sabay tayong magbigti. Leche ka. T*** i**, galit ako sa iyo. Huwag ka kasi mag-intriga ka sa tao ngayong panahon na ito,” anang Pangulo.

Partikular na tinukoy ng Pangulo ang pang-iintriga umano ni Diokno tungkol sa eroplano na matagal nang binili ng Philippine Air Force.

“Tapos sabihin mo na magbili ng eroplano. Ginagamit ‘yan ng Air Force. Sabihin ko sa iyo ngayon ni hindi ko nakita ‘yang eroplano na ‘yan. Hindi ako gumagamit ng sa gobyerno ‘pag ako ang nag-travel para malaman mo, Diokno,” sabi ni Duterte.

Sa huli ay nakiusap ang Pangulo na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news pero kung magkikita umano sila ni Diokno ay patatalsikin ang isang ngipin nito.

Nauna rito, nagprisinta si Diokno na tatayong abogado ng mga ipahuhuli ng administrasyon dahil sa paglabag sa batas tungkol sa enhanced community quarantine at umiiral na lockdown.

Nagbabala ang Pangulo na uunahin si Diokno kapag sinubukan nitong magpulong kasama ang 10 katao na labag sa pinaiiral na social distancing.

RODRIOGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with