^

Bansa

Apela ni Go: Special risk allowance sa public health workers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Muling iginiit ni Senador Bong Go ang mabilis na pagbibigay ng special risk allowance sa mga public health workers (PHWs) dahil sa patuloy na pagtatrabaho sa kabila ng paglaki ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Go, dapat lamang protektahan ng pamahalaan ang kapakanan ng PHWs na nagbibigay ng kritikal at agarang serbisyo sa pagtugon sa public health emergency kahit  nalalagay sa panganib ang kanilang buhay.

“Nararapat lamang na mabigyan sila ng special risk allowance. Kailanman ay hindi sila pababayaan ng gobyerno,” anang senador.

Sa ilalim ng Section 4 ng Bayanihan to Heal as One Act, ang Pangulo ay binibigyan ng ‘temporary authority’ na magbigay ng SRA sa PHWs.

Ang PHWs ay maaaring medical, allied medical at iba pang kinakailangang personnel na nakatalaga sa mga ospital at healthcare facilities at direktang nakikipag-ugnayan at nagsisilbi sa COVID-19 patients, persons under investigation o persons under monitoring.

Kapag aniya naaprubahan, ang panukala ni Go ay ang national government agencies, government-owned and controlled corporations at local government units ay awtorisadong magbigay sa kanilang PHWs ng one-time COVID-19 SRA na ang katumbas ay porsiyento ng kanilang basic monthly salary.

Nangangahulugan din na ang PHWs ay maaaring mabigyan ng SRA bukod pa sa nakukuha na nilang hazard pay sa ilalim ng Magna Carta of Public Health Workers o COVID-19 hazard pay sa ilalim ng Administrative Order No. 26 (s. 2020) kung anuman ang mas mataas.

vuukle comment

PHW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with