Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nogra­les, matitiyak ang social distancing sa Rapid Pass System dahil hindi na kailangang magpa­kita ng ID at mga doku­mento ang mga exemp­ted na indibiduwal kabilang ang mga health workers.
The STAR/Edd Gumban
‘Rapid pass’ sa COVID frontliners inilunsad
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

Para mapabilis ang pagdaan sa checkpoints

MANILA, Philippines — Para mapabilis ang biyahe sa pagdaan sa mga checkpoints ngayong may enhanced community quarantine, inilunsad kahapon ng Inter-agency Task Force of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang “rapid pass” system.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nogra­les, matitiyak ang social distancing sa Rapid Pass System dahil hindi na kailangang magpa­kita ng ID at mga doku­mento ang mga exemp­ted na indibiduwal kabilang ang mga health workers.

Mas mapapabilis aniya ang pag-check ng mga sasakyan at mababawasan ang “person-to-person” contact sa mga frontliners.

Ang konsepto ay bunsod ng mabagal na pag-usad ng mga sasakyan at frontliners na bumibiyahe papasok at papalabas ng checkpoints.

Sa rapid pass system, ang mga frontliners na dadaan sa mga checkpoints ay gagamit ng QR code scanners na nasa kanilang mga smartphones at i-scan ang unique QR codes na ibibigay sa mga authorized individuals o sasakyan.

Matapos ang scanning ng QR code, pu­pwede na padaanin ang indibidwal o kotse.

Para makakuha nito, kailangan mag-request sa RapidPass.ph na website na ma-access naman sa desktop computer o mobile device.

Kapag naaprubahan na ang request, bibigyan ng unique na QR code ang isang indibidwal na maaaring ipaskil sa sasakyan o ipakita gamit ang smartphone.

Kung walang smartphone o printer, maaari lamang ipakita ang valid ID at ang nakuhang control number sa mga nagmamando ng checkpoint.

Nilinaw naman ni Nograles hindi naman din ito required. Tatanggapin pa rin naman daw sa checkpoint ang mga ID at iba pang dokumento.

Related video:

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with