Litrato nina Bayan Muna chairperson Neri Colmenares at kamag-anak na si Angel Locsin, na kilalang tumutulong din sa mga health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Philstar.com/EC Toledo IV, file
Bayan Muna: Kakompitensya ng gov't si Robredo? Artistang tumutulong kakasuhan ba?
James Relativo (Philstar.com) - April 3, 2020 - 12:05pm

MANILA, Philippines — Nangangamba ngayon ang isang militanteng grupo matapos pag-initan ng isang opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang ginagawang pagtulong ni Bise Presidente Leni Robredo sa mga apektado ng coronavirus disease (COVID-19) at Luzon-wide lockdown.

"PACC, kakasuhan niyo si VP Robredo dahil nangangalap siya ng tulong? May mga abogado at mga artista na tumutulong din sa mga tao, kakasuhan niyo din ba sila?" sabi ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares, Biyernes.

"Alalahanin niyo lang sana, huwag abusuhin ang inyong kapangyarihan dahil nasa pwesto kayo."

Ilan sa mga kilalang kumalap ng tulong para sa mga apektado ng pandemic ay sina Angel LocsinBela Padilla, Matteo Guidicelli, atbp.

Ito ang tanong ni Colmenares matapos sabihin ni PACC Commissioner Manuelito Luna na dapat imbestigahan ng NBI si Robredo dahil "pinahihina" raw ng kanyang COVID-19 efforts ang pagtugon ng national government.

"Dapat imbestigahan ng [NBI] ang bise presidente para sa mga iligal na solicitations [at] gawi na kumukumpitensya sa national government efforts para pahinain ito sa panahon ng public health emergency," ani Luna sa Inggles.

Dumistansya naman si PACC Commissioner Greco Gelgica sa pahayag ni Luna at sinabing hindi nila uutusan ang NBI na silipin ang pagtulong ng ikalawang pangulo.

Sinabi rin ni Interior Secreary Eduardo Año na wala siyang nakikitang paglabag ni Robredo sa Bayanihan Act: "[K]ahit sino pwedeng mag-abot ng tulong basta't makikipag-ugnayan sa ahensya ng gobyerno.

Ilan sa mga inirereklamong serbisyo ni Luna ay ang:

  • libreng shuttle service
  • dormitoryo para sa mga health workers
  • pamamahagi ng personal protective equipment

Aniya, paglabag daw ito sa Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Maaari rin daw na nalabag ng Office of the Vice President ang Presidential Decree 1564 o Solicitation Permit Law, maliban sa panuntunan at protocols ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine kontra COVID-19.

"Sa sobrang katawa-tawa, sobrang di-angkop, sobrang sintunado ng pahayag ng PACC, kinailangan kong tiyakin kung talagang sinabi nila iyan. Sa kasawiang-palad, totoo nga ito," tugon ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo kahapon.

Mundo ng showbiz napa-react

Hindi rin napigilan ng ilang celebrities na umangal sa sinabi ni Luna kahapon, lalo na't tumutulong lang naman daw si Robredo sa mga nahihirapan sa ngayon.

"Teka...bawal tumulong? Competition??? Pag may gustong tumulong, hayaan nyong tumulong!" galit na pahayag ni Chito Miranda, bokalista ng bandang Parokya ni Edgar.

Ayon naman kay Bianca Gonzales, hindi dapat pigilan si VP Leni dahil bahagi lang naman daw siya ng national government.

'Di naman naiwasan ng folk musician na si Bullet Dumas na tawaging "April Fools'" ang buong buwan ng Abril dahil tila lokohan na ang pahayag ng PACC official.

Sabi naman ni Janine Guitierrez, hindi porke mabilis umaksyon at nakatutulong ay kumukompitensya agad.

Banggit naman ng aktres na si Zsa Zsa Padilla, mas maramng dapat unahin ang NBI kaysa imbestigahan ang pagtulong.

BAYAN MUNA CELEBRITIES LENI ROBREDO NOVEL CORONAVIRUS PACC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with