“Sa mga lugar kung saan ipinapatupad ang ECQ (enhanced community quarantine), lahat po ng mga kababa­yan natin na lalabas sa kanilang tahanan para mamili ay required na po gumamit ng face mask, panyo, face shields o anumang kagamitan na makakatulong sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19 virus,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Edd Gumban/ STAR
Pagsusuot ng face mask mandatory na sa Luzon
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dapat laging nakasuot ng face mask ang mga residente sa Luzon tuwing lalabas ng kanilang tahanan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.

“Sa mga lugar kung saan ipinapatupad ang ECQ (enhanced community quarantine), lahat po ng mga kababa­yan natin na lalabas sa kanilang tahanan para mamili ay required na po gumamit ng face mask, panyo, face shields o anumang kagamitan na makakatulong sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19 virus,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ayon kay Nograles, inatasan na niya ang mga local government units na magpalabas ng kani-kanilang mga ordinansa tungkol sa pagsusuot ng face mask.

Maaaring gumamit ng panyo o sariling gawang face mask dahil makakatulong pa rin ito para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

Ang mahalaga anya ay matakpan ang bibig at ilong.

Simula nang ipatupad ang ECQ, hindi na rin nagpapapasok sa mga supermarkets at drug stores kung hindi nakasuot ng face mask.

Bukod sa pagsusuot ng face mask, hinikayat din ni Nograles ang mga may-ari ng grocery at drug store na palawigin sa 12 oras ang kanilang mga operasyon.

Ito ay para maiwasan umano ang siksikan sa mga naturang establisim­yento.

“Ang mga supermarket, palengke, grocery, botika, at iba pa ay hinihikayat na i-extend ang kanilang operating hours para umabot po ito ng 12 hours,” ani Nograles.

Pinatututukan din ni Nograles ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing sa mga palengke.

KARLO NOGRALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with