^

Bansa

PNP: Shoot-to-kill order ni Duterte habang COVID-19 crisis 'di namin gagawin

Philstar.com
PNP: Shoot-to-kill order ni Duterte habang COVID-19 crisis 'di namin gagawin
Nagtataya ng checkpoint ang ilang kawani ng Manila Police District Sta. Cruz police station sa Blumentritt Street sa Maynila habang may enhanced community quarantine.
The STAR/Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Philippine National Police, Huwebes, na wala silang "babarilin hanggang mamatay" kasunod ng mga banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga diumano'y pasaway habang tumutugon ang gobyerno sa problema ng coronavirus disease (COVID-19). 

Sa panayam ng ANC kay chief Director Gen. Archie Gamboa, tinukoy niya ang talumpati ni Digong na nagpapabaril sa mga kritikong papalag at manggugulo diumano habang bumabatikos sa relief at COVID-19 response ng pamahalaan.

"Siyempre hindi, siguro idinidiin lang niya ang pagpapatupad ng batas sa panahon ng krisis. Siyempre hindi," ani Gamboa sa Inggles.

"Ang nakikita namin ay ang matapang na pahayag at naiintindihan 'yan ng PNP personnel."

Kahapon lang nang arestuhin ang mahigit-kumulang 20 residente ng Sitio San Roque sa Quezon City na nagtipon-tipon sa kahabaan ng EDSA para umapela ng ayudang pagkain, na paglabag daw sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine.

Daing nila, hindi pa raw kasi sila naaabot ng relief goods lalo na't hindi sila makapagtrabaho't makakita ng pera habang ipinatutupad ang lockdown.

Pero sabi ni Gamboa, dapat ay nagtiis-tiis na muna ang mga inaresto: "Aral ang paghihintay. Tiniyak na niya (Duterte) na walang magugutom."

Ayon sa National Capital Region  Police Office (NCRPO), hahainan ng pulisiya ng mga kaso kaugnay ng paglabag sa Republic Act 11469, RA 11332, RA 922 at RA 151 ang mga nabanggit.

Mahigit 17,000 na ang mga inaaresto sa buong Pilipinas habang ipinatutupad ang quarantine measures upang hindi kumalat ang sakit.

Sa kabila niyan, lampas 2,300 na ang nahahawaan ng virus sa bansa, habang 96 na sa kanila ang namamatay. — James Relativo

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with