^

Bansa

‘Mangungupit ng pera at relief goods ipakukulong ko’ – Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Mangungupit ng pera at relief goods ipakukulong ko� � Duterte
Si Pangulong Duterte

MANILA, Philippines  — Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakukulong ang mga opisyal ng gobyerno na mangungupit ng pera at relief goods na para sa mga mamamayan na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa novel coronavirus 2019 o COVID-19.

“Ngayon, sa mga tao na binigyan ng --- people tasked of distribu­ting the money, distri­buting the food, distri­buting the relief goods, kindly do it...‘pag nagkamali kayo dito, hindi ko kayo palusutin,” sabi ng Pa­ngulo.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya malupit na tao pero ipakukulong niya ang mga gagawa ng katiwalian, hoarding at magdi-divert ng tulong sa mga hindi naman dapat tulungan.

“Sabi ko huwag ngayon. Huwag na huwag kayong mandaya, mangurakot at taguin ‘yung mga pagkain at ‘yung iba hindi bigyan kasi… You know, people sometimes think that they own whatever they receive from government. This is not yours, neither is it mine,” dagdag ng Pangulo.

Bukod sa ipakukulong, sususpendihin din ang mga mamumulitika at mga mangungurakot na mga opisyal.

Samantala, inianunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring spokesman ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases na may Technical Working Group (TWG) na magsasagawa ng kaukulang pag-aaral sa ipinaiiral na community quarantine sa Luzon.

Sinabi ni  Nograles na pangungunahan ng Department of Health (DOH) ang TWG na siyang bubuo ng para­meters o pamantayan kung kinakailangan pang magpatuloy o mapalawig ang community quarantine.

Ayon kay Nograles, pagkatapos na maisa­pinal ng TWG ang assessment ay agad itong ipiprisinta sa IATF.

Sa ngayon ay mas­yado pang maaga uma­no para sabihing kaila­ngang palawigin o hindi na ang community qua­rantine dahil kailangang mapag-aralang mabuti.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with