^

Bansa

P200 bilyon laan para sa mahihirap na apektado ng COVID-19

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P200 bilyon laan para sa mahihirap na apektado ng COVID-19
“We have alloted P200 billion for low income households who are badly affected by the current crisis. Sila ang nasa informal sector, and those who live day-to-day on subsistence wages or no work, no pay,” ani Duterte na nagsabvi pa na ito ang pinakamalaking ayuda ng pamahalaan sa kasaysayan ng bansa.
Miguel de Guzman/ File

MANILA, Philippines  — Naglaan ang gobyerno ng P200 billion bilang tulong sa mga low-income households na naapektuhan ng community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

“We have alloted P200 billion for low income households who are badly affected by the current crisis. Sila ang nasa informal sector, and those who live day-to-day on subsistence wages or no work, no pay,” ani Duterte na nagsabvi pa na ito ang pinakamalaking ayuda ng pamahalaan sa kasaysayan ng bansa.

Sinabi ni Duterte na makakatulong ang nasabing halaga para makabawi ang mga mamamayan sa nawalang economic opportunities dahil sa ipinatupad na mga quarantine measures.

Ang mga mabibigyan ng nasabing ayuda ay yung mga manggagawa na sumasahod ng arawan o ang no work, no pay employees.

Dalawang buwan silang makakatanggap ng tulong depende sa kung magkano ang ipinapatupad na minimum wage ng kada rehiyon.

Tiniyak din ni Duterte na makatatanggap ng tulong ang mga maliliit na negosyo, magsasaka at mangingisda na apektado ng lockdown.

Nanawagan din ang Pangulo sa mga may kaya sa buhay na patuloy na tulungan ang mga mahihirap.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with