^

Bansa

‘Mga namatay na health workers masuwerte’ - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Mga namatay na health workers masuwerte� -  Duterte
Tinawag na masu­werte ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga health workers na nasawi dahil sa coronavirus. Kinilala ng Pangulo ang naging sakripisyo ng mga doktor, nurses at attendants na nagbuwis ng buhay para matulungan ang kapwa na tama aniyang rason para mamatay.
Walter Bollozos/ File

MANILA, Philippines  — Tinawag na masu­werte ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga health workers na nasawi dahil sa coronavirus.
Kinilala ng Pangulo ang naging sakripisyo ng mga doktor, nurses at attendants na nagbuwis ng buhay para matulungan ang kapwa na tama aniyang rason para mamatay.

“Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin. May mga doktor na, mga nurses, attendants, namatay. Sila ‘yung nasawi ang buhay para lang makatulong sa kapwa. Napakaswerte nila. Namatay sila para sa bayan. Iyon ang dapat ang rason na bakit tayo mamatay,” ani Duterte.

Ipinahiwatig ng Pa­ngulo na mas mabuting mamatay dahil sa pagtulong sa kapwa kaysa sa mamatay dahil nasagasaan lamang o walang ginagawa.

“Huwag tayong mamatay sa ibang rason, nasagasaan ka lang at wala ka namang ginawa. It would be an honor to die for your country, I assure you,” anang Pangulo.

Pero ipinaalala rin ng Pangulo sa mga health workers na maging “fully protected” bagaman at naniniwala siya na mamamatay ang isang tao kapag panahon na niya.

“At ako naman ho, ang pilosopiya ko ho ganito, sa nagtatrabaho, kung protected ka lang, eh make yourself fully covered, protected para hindi --- walang madisgrasya. Pero ang doktrina ko sa buhay is ako, si Rodrigo Duterte, kung panahon ko na, panahon ko na,” ani Duterte.

Sa panimula ng national address ng Pangulo, nagpasalamat muli ito sa mga frontliners at tiniyak na hindi malilimutan ang kanilang kabayanihan.

Inihayag din ng Pa­ngulo na kahit pa iba ang pilosopiya niya sa buhay tungkol sa kamatayan, nag-aalala siya para sa mga frontliners na hindi na makakasamang tumanda ang kanilang mga anak at apo.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with