^

Bansa

Pilipinas posibleng sumali sa testing ng gamot vs COVID

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na makilahok ang Pilipinas sa isinasagawang ‘trial tes­ting’ ng mga nalilikhang bagong gamot laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may imbitasyon nang galing sa World Health Organization (WHO) na pinag-aaralan na nila ngayon.

“Inaalok ng WHO at ating pinag-aaralan kung sasali ang gobyerno ng Pilipinas o hindi para sa pagta-trial ng mga bagong gamot na sinusubukan na maa­aring magbigay tugon sa COVID-19,”  ayon kay Vergeire.

Noong nakaraang linggo, inihayag ng WHO ang isang malakihang pag-aaral sa pagha­hanap ng lunas sa sakit na maaaring lahukan ng mga medical practitioner sa buong mundo.  Nabatid na may 12 potensyal na gamot na ang isinasailalim sa testing kabilang ang ilang droga na gamit laban sa HIV at malaria.

Nasa 35 kumpanya at academic institutions na rin ang nagpapaligsahan sa pagtuklas ng bakuna kung saan may apat na handa na para sa testing sa mga buhay na hayop.  Isa dito ay sinasabing malapit nang magamit sa testing para sa tao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with