^

Bansa

Fire victims sa Bacoor at Las Pinas inayudahan ni Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

Kahit naka-self-quarantine

MANILA, Philippines — KAHIT naka-self-qurantine bilang pagsunod sa protocol matapos umanong magkaroon ng kontak sa taong nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19), nagbigay pa rin ng ayuda ang opisina ni Senator Bong Go sa mga residenteng nasunugan sa Wawa Uno sa Barangay Zapote V, Bacoor City at sa Talon Village, Las Piñas City.

Ayon sa senador, dapat na ipagpatuloy ng pamahalaan ang tungkulin nito ngunit kailangang isaalang-alang pa rin ang kalusugan ng bawat isa.

Sa pamamagitan ng pamamahagi ng pagkain, groceries at financial assistance ay napasaya ng grupo ng senador ang mga pamilyang nawalan ng tirahan.

Ngunit ang pamamahagi ng groceries, pagkain, hygiene kits, masks at financial assistance ay ginawa batay sa umiiral na enhanced community quarantine protocols, kabilang na ang social distancing.

Batay sa report, umaabot sa 304 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog sa Bacoor habang sa Las Piñas naman ay nasa 119 pamilya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with