Nitong Sabado, naka­pagtala na ang DOH ng 690 volunteers na tinawag nilang “health warriors” na itatalaga sa tatlong ospital na pagdadalhan ng mga pasyente ng COVID-19, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Walter Bollozos/ File
690 ‘health warriors’ sasabak sa giyera vs COVID-19
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Sa kabila ng maliit na P500 allowance na matatanggap, uma­bot na sa mahigit 600 mga doktor at nurses ang tumugon sa panawagan ng Department of Health (DOH) na mag-volunteer sa mga COVID-19 referral hospitals upang maampat ang pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng virus.

Nitong Sabado, naka­pagtala na ang DOH ng 690 volunteers na tinawag nilang “health warriors” na itatalaga sa tatlong ospital na pagdadalhan ng mga pasyente ng COVID-19, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kabilang sa mga pagamutan ang UP-Philip­pine General Hospital sa Maynila, Jose M. Rodriguez Memorial Hospital sa Tala, Caloocan City, at ang Lung Center of the Philippines sa Quezon City.

Upang makatiyak sa kalusugan ng mga volunteers, magpapatupad ang DOH ng “two-weeks-on, two-weeks-off policy”.  Ibig sabihin nito, dalawang linggong magdu-duty ang mga volunteers at susundan ng dalawang linggong self-quarantine.

Una nang humingi ng paumanhin ang DOH nang umani ng negatibong reaksyon ang P500 ibi­nibigay nila sa mga volun­teers. Sinabi ng ahensya na ito lamang talaga ang halagang nakalaan ng pamahalaan bilang allowance sa mga ‘volunteers’ at hindi regular na mga tauhan ng pamahalaan.

Ginagawan na umano nila ng paraan na madagdagan pa ang pondo para sa allowance ng mga health workers makaraan na mabigyan sila ng supplemental budget. Ngunit iginiit ng DOH na malaki sa halagang ito ay nakalaan sa pagbili ng mga perso­nal protective equipments (PPEs) ng mga health workers

DOH UP-PHILIP­PINE GENERAL HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with