^

Bansa

Birthday gift kay Duterte, stay at home - Sen. Go

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Birthday gift kay Duterte, stay at home - Sen. Go
Naka-self quarantine si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang bahay sa Malacañang kahit pa kanyang ika-75 kaarawan pero patuloy pa rin niyang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang ama ng ating bayan, ayon kay Sen. Bong Go.

MANILA, Philippines — “Sumunod sa patakaran and stay at home.”  Ito ang nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na regalo sa kanya ng sambayanang Filipino para sa kanyang ika-75 kaarawan.

Sinabi ni Senador Bong Go na bagama’t nakalulungkot na mag-isa lamang ang Pangulo na nagdiwang ng kaarawan ay tila may koneksyon pa rin sa kanyang tungkulin ang gustong birthday wish ng Chief Executive mula sa mamamayan.

“Dalawang beses po kami nagkausap sa telepono ngayong araw. Una ay 6:30 ng umaga. Ngayong kaarawan niya, nakalulungkot man na mag-isa siya, isa lang ang pakiusap niya sa mga Pilipino — ang tanging maireregalo ninyo sa kanya ay ang sumunod sa patakaran and STAY AT HOME,” ayon kay Go.

Aniya, simula noong mayor pa ng Davao City si Pangulong Duterte ay hindi naman talaga nagse-celebrate ng kanyang birthday ang Punong Ehekutibo.

Nasa bahay lamang aniya si Pangulong Duterte.

Kaya nga, parehas rin lang aniya ngayon ang magiging pagdiriwang nito dahil inabisuhan siya ng kanyang doktor at ng PSG na magself-quarantine na rin para sa kanyang proteksyon dahil exposed siya sa Malacañang.

Gayunpaman, patuloy pa rin aniyang tinututukan ng Pangulo ang sitwasyon ng bansa at nagbibigay ng importanteng mga utos sa mga opisyal ng gobyerno.

Ang Pangulo, bilang ama ng bayan, ang nasa isip aniya nito sa ngayon ay ang kapakanan ng bansa at hindi ang sarili niyang kaarawan.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with