^

Bansa

Mga may COVID-19 pinalalantad

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mga may COVID-19 pinalalantad
Naniniwala si Lacson na mas mapipigilan ang pagkalat ng virus kung magkukusang lumantad ang mga positibo o direktang nakasalamuha ng mga symptomatic dahil mabibigyan ng babala ang mga nakausap nila.
Geremy Pintolo/ File

MANILA, Philippines — Tulad ng mga sikat na personalidad na umamin na sila ay positibo sa COVID-19, hinikayat kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang mga ordinaryong mamamayan na tinamaan ng virus na sila ay lumantad din sa publiko.

Naniniwala si Lacson na mas mapipigilan ang pagkalat ng virus kung magkukusang lumantad ang mga positibo o direktang nakasalamuha ng mga symptomatic dahil mabibigyan ng babala ang mga nakausap nila.

Maaari aniyang gamitin ang mga barangay bulletins ng mga homeowners’ associations at mga social media platforms para makilala ang mga positibo sa CO­VID-19 para lumantad din ang mga nakasalamuha nito at sumailalim sa test kung kinakailangan.

“If their identities are made public vo­luntarily, even through their barangay bulletins, homeowners’ associations or any social media platforms available, then people who they directly got in contact with can come forward to be tested and treated if needed,” sabi ni Lacson.

Inihalimbawa ni Lacson ang mga sikat na personalidad na umamin na sila ay positibo sa COVID-19 katulad nina Prince Charles, Boris Johnson, Tom Hanks, Christopher de Leon at ilang mga mambabatas at government officials.

“Maybe it is time for the “man on the street” - the ordinary Filipinos - to do the same in order to alert those who they had interacted with to take the necessary measures, so that the infection does not spread further,” sabi ni Lacson.

Aminado si Lacson na hindi naisama sa ipinasang Bayanihan to Heal As One Act (RA 11469) na mabigyan ng kapangyarihan ang Pangulo para ipag-utos ang paglantad ng mga COVID-19 patients.

Mas nagiging mahirap din aniya na ilantad sa publiko ang mga positibo sa virus dahil sa Data Privacy Act o R.A. 10173 kung saan binibigyan ng proteksiyon ang privacy ng mga pasyente.

Pero naniniwala si Lacson na kung ikokonsidera ng mga pas­yente na may COVID-19 ang kapakanan ng iba, lalan­tad ang mga ito at tutulong upang tuluyang mapuksa ang virus.

vuukle comment

COVID-19

PANFILO “PING” LACSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with