^

Bansa

Curfew violators sa Luzon lockdown ‘di na ikukulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na ikukulong ang mga indibidwal na nasakote sa paglabag sa curfew sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ito ang ibinigay na direktiba ni PNP Chief Police General Archie Gamboa sa lahat ng mga pulis officers na nangangasiwa sa mahigpit na checkpoint at patrol operations sa lockdown sa Luzon partikular na sa Metro Manila.

Ang kautusan ay ipinalabas ni Gamboa matapos makatanggap ng report hinggil sa pagkakasangkot ng ilang PNP officers sa pagkukulong ng mga taong nahuhuli sa paglabag sa curfew.

Ang mga mahuhuli sa paglabag sa curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ay itatala at sasampahan lamang ng kaso ang mga ito matapos ang isang buwang Luzon-wide quarantine.

“Kukunin lang yung kanilang mga information, itatala sa police station at pagkatapos ng krisis na eto saka natin pananagutan yun at depende rin sa mga multa at penalties na nakasaaad sa ordinansa ng curfew,” paliwanag ni Eleazar.

Matapos ang proseso ng dokumentasyon sa mga violators o lumabag sa curfew hours ay pauuwiin na ang mga ito sa kanilang mga tahanan.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with