Pawang nakasuot ng protective suit ang mga pasaherong ito habang naghihintay ng kanilang flight sa loob ng NAIA Terminal 1 sa Parañaque City. Isang terminal na lamang sa paliparan ang nananatiling bukas sa natitirang mga international flights sa bansa.
Kuha ni KJ Rosales
Military takeover at 60-araw lockdown ‘fake news’
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinabulaanan at ti­na­wag na ‘fake news’ ni Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson Ca­binet Secretary Karlo Nograles ang kumalat na tsismis sa social media na magkakaroon ng military takeover at palalawigin ng 60 araw ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Sa mga panayam sa radyo, sinabi ni Nograles na walang katotohanan ang nasabing ulat at hindi dapat pinapaniwalaan.
“Gusto ko lang pong linawin na lahat po iyan ay puro fake news. Huwag po tayong maniwala, mga kababayan,”ani Nograles.

Taliwas sa mga lumabas na “fake news” sinabi ni Nograles na ginagawa lahat ng gobyermo upang mabilis na makontrol ang COVID-19 at matapos ang enhanced community quarantine sa Abril 12.

Pero mahalaga aniya ang kooperasyon ng mga mamamayan sa pagsugpo ng virus.

Hinikayat ni Nograles ang mga tao na makinig lamang sa mga opisyal na pahayag ng mga opisyal ng gobyerno.

“Tandaan po natin, ang lagi lang po nating pakikinggan, ‘yung IATF, Department of Health at pati na rin po si Pangulong Duterte,” sabi ni Nograles.

“Tulad ng virus, delikado din ang tsismis na ganito at kailangan din gumawa ng hakbang upang tigilan ang pagkakalat nito––dahil nakasasama ang mga ito sa ating lahat,” dagdag niya.

Sa “Bayanihan to Heal As One Act” o Republic Act (RA) No. 11469 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan, ang mga nagpapakalat ng maling impormas­yon o “fake news” ay maaa­ring makulong ng dalawang buwan o patawan ng multang mula P10,000 hanggang P1 milyon.

MILITARY TAKEOVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with