Nagpahayag siya ng pa­ngamba na marami pang doktor at health workers ang madagdag sa talaan ng positibo sa virus dahil marami pa umano ang hindi naisasailalim sa COVID test. “We are not yet certain na baka rin ang mga healthcare workers natin o manggagamot ay positive din, we do not know, wala pa tayong ginagawang testing,” ani Santiago.
Michael Varcas
Ika-10 doktor patay sa COVID-19
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 10 ang bilang ng mga doktor sa bansa na nasawi habang nasa frontline dahil sa COVID-19.Hindi muna binanggit ni Dr. Jose Santiago Jr., pangulo ng Philippine Medical Association (PMA) ang pagkakakilanlan sa ika-10 doktor.

Nagpahayag siya ng pa­ngamba na marami pang doktor at health workers ang madagdag sa talaan ng positibo sa virus dahil marami pa umano ang hindi naisasailalim sa COVID test.
“We are not yet certain na baka rin ang mga healthcare workers natin o manggagamot ay positive din, we do not know, wala pa tayong ginagawang testing,” ani Santiago.

Patuloy na nagiging problema ng mga doktor ang kakulangan sa personal protective equipment (PPE) para matugunan nila ang tawag ng kanilang tungkulin para magamot ang mga may malulubhang kalagayan dulot ng virus.

Nanawagan naman si Dr. Tony Leachon, ng Manila Doctors Hospital sa pamahalaan na magsagawa na ng ‘mass testing’ para maihiwalay ang mga nahawa ng virus at hindi na ito kumalat.

Related video:

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with