Noong March 24, nag-home quarantine si Santos makaraan magkaroon ng contact sa isang senior military officer na positibo rin sa virus.
The STAR/Roel Pareño
AFP Chief positibo sa COVID
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenza na nagpositibo si Armed Forces of the Philippines Chief Felimon Santos Jr. sa COVID-19.

Ayon kay Lorenzana, agad na sinabi ni Santos sa kanya ang resulta ng test nang matanggap niya kamakalawa.

Noong March 24, nag-home quarantine si Santos makaraan magkaroon ng contact sa isang senior military officer na positibo rin sa virus.

Pahayag ni Lorenzana, sasailalim din siya sa self-quarantine matapos magkaroon ng contact kay Santos noong March 21 at 22.

“I have no symptoms but protocol says I have to self-quarantine for 14 days,” aniya.

Sa ngayon ay may 707 kumpirmadong kaso na ng COVID-19 sa Pilipinas, 45 nasawi, at 28 na nakarekober.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with