Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) kahapon, nasa 96 kaso ang nadagdag sa talaan.
Walter Bollozos
DOH: 803 positibo, 54 patay sa COVID
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumobo na sa 803 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas habang umakyat sa 54 ang mga nasawi.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) kahapon, nasa 96 kaso ang nadagdag sa talaan.

Siyam na pasyente naman ang nadagdag sa mga nasawi para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 54.  Walo sa kanila ay pawang mga senior citizen habang lahat ay may ibang karamdaman nang tamaan ng virus.

Tatlo naman ang nakarekober sa sakit o 31 na ang gumaling.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagiging stable na ang paglabas ng mga resulta dahil sa mas marami nang testing kits at tumaas na rin ang kapabilidad ng kanilang mga laboratoryo.

Kaya nang makapag-test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng 600 test kada araw, 80-160 tests naman sa San Lazaro Hospital, Baguio Hospital and Medical Center para sa Northern Luzon, Vicente Sotto Memorial Medical Center para sa Visayas at Southern Philippines Medical Center na binigyan ng tig-5,000 testing kits.

Related video:

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with