^

Bansa

COVID-19 testing, bilisan - Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

Giit sa DOH

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Health na gawing handa sa mga tauhan at gamit bukod sa magtalaga ng testing centers sa bawat ospital o mga lugar na nasa labas ng Luzon upang mabilis na matuklasan ang mga kaso ng COVID-19. 

Sinabi ni Sen. Go, chairman ng Senate committee on health, na dapat agad na ihanda ng DOH ang mga health institutions sa Visayas at Mindanao para masuri o magamot ang mga magpopositibo sa COVID-19, partikular sa mga liblib na lugar sa probinsiya na kulang sa resources.

“Hinihiling ko lang na sana’y mapabilis natin ang sistema sa pagbigay ng kaukulang solusyon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga testing centers, lalo na sa Visayas at Mindanao,” sabi ng senador.

Higit dito, sinabi ni Sen. Go na kinakailangang maalalayan ang mga medical institutions na nasa gitna ng krisis sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sapat na personal protective equipment at test kits.

Sinabi ni Go ngayong naisabatas na ang “Bayanihan to Heal as One Act”, dapat na mag-mobilize ang DOH ng mga resources at manpower bilang tugon sa paglaban sa pandemic o paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan na rin ng epek­tibong edukasyon, deteksyon, proteksyon at paggagamot.

Aniya, mahalagang-mahalaga na maihanda na rin ang mga health institutions hindi lang sa Luzon kundi sa buong Pilipinas na, lalo sa malalayong lugar.

“Dapat makarating sa kanila ang mga supplies at test kits na kailangan para maagapan ang pagkalat ng virus. Bilisan natin at siguraduhin natin na handa hindi lang ang Luzon, kundi ang buong bansa,” dagdag ng senador.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with