Damay sa financial assistance ang 5,800 jeepney drivers, 12,000 tricycle drivers at 700 UV Express drivers ng Pasig na walang kita habang enhanced community quarantine.
Philstar.com/Irish Lising
Pasig makikiabot ng P3,000 na tulong sa mga drayber
James Relativo (Philstar.com) - March 26, 2020 - 7:17pm

MANILA, Philippines — Makatatanggap ng tulong pinansyal ang sari-saring tsuper ng pampublikong transportasyon sa Pasig na apektado ng Luzon-wide lockdown sanhi ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

"Ische-schedule ang pamimigay, simula Lunes," sabi ni Pasig Mayor Vico Sotto sa Inggles ngayong hapon.

Aabot ng P3,000 ang ipamimigay kada nagmamaneho sa eastern Metro Manila city habang suspendido ang lahat ng public transportation sa hilagang kapuluan.

Damay sa financial assistance ang 5,800 jeepney drivers, 12,000 tricycle drivers at 700 UV Express drivers ng Pasig na walang kita habang enhanced community quarantine.

Aabot sa P55.5 millon ang pondo ang ilalaan ng lokal na pamahalaan ng Pasig para nasabing tulong.

Gusot sa biyaheng tricycle

Una nang pinayagan ni Sotto ang pag-operate ng ilang tricycle sa kanilang lungsod kahit na ipinagbabawal na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dahilang hirap daw bumiyahe ang mga manggagawang pangkalusugan at iba pang essential service providers.

Dahil diyan, nanganib arestuhin ng Philippine National Police ang mga naturang trike drivers.

Kalaunan, sumunod naman ang batang alkalde sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government.

Hinahangaan ngayon ng marami si Sotto dahil sa kanyang mga kakaibang approach sa pagtugon sa COVID-19, gaya na ng gumugulong na "Mobile Palengke" at lumilipad na drone na pang-disinfect kontra virus.

JEEP NOVEL CORONAVIRUS PASIG TRICYCLE UV EXPRESS VICO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with