Litrato ni Bongbong Marcos na kinunan ng kanyang misis na si Liza Marcos kaninang umaga.
Released/Atty. Liza Marcos
Paglipad sa Singapore ni Bongbong Marcos para magpagamot 'fake news' — misis
James Relativo (Philstar.com) - March 26, 2020 - 2:11pm

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng asawa ni dating Sen. Bongbong Marcos na nasa Singapore at naghihingalo ang mister, ayon sa isang pahayag, Huwebes.

"Hindi nag-collapse ang baga niya. Hindi siya nilipad gamit ang eroplano ni si Manong Chavit para magpagamot sa Singapore," ayon kay Liza Marcos, sa isang statement.

"Hindi pa siya naghihingalo. Hindi pa siya patay."

Ipinaskil din ni Manuel Quezon III ang naturang statement, na may litrato ng anak ng dating dikator habang nakahiga sa kama.

Kinumpirma naman sa Philstar.com ni Vic Rodriguez, abogado ni Bongbong, na nanggaling kay Liza ang litrato ni Bongbong.

Ipinadala rin sa reporters ng kontrobersyal na abogadong si Larry Gadon, na kilalang loyalista ng mga Marcos, ang nasabing statement.

Kanina lang nang kumpirmahin ni Sen. Imee Marcos, kapatid ni Bongbong, na nagpa-test para sa coronavirus disease (COVID-19) si BBM matapos sumama ang pakiramdam pagkauwi galing Espanya.

Inaantay pa naman daw nila ang resulta ng junior ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, na iniuugnay sa sari-saring human rights violations at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

"Ipinadadala ko sa inyo ang litrato ni Bong na kinuha ko at ng aking mga anak ngayong umaga," dagdag ni Liza.

"Makikita niya, nasa bahay siya at buhay na buhay."

Aniya, nagpa-check na rin para sa COVID-19 ang pamilya't buong staff ng anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Lahat naman daw sila ay negatibo.

Sineseryoso naman daw ng kanyang pamilya ang COVID-19 outbreak at nililinis na nang husto ang kanilang bahay.

Kasalukuyang 636 na ang tinatamaan ng virus sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health.

'Imposibleng makapunta ng Singapore'

Ayon naman kay Retired Admiral Reuben Lista, dating commandant ng Philippine Coast Guard, imposibleng mailipad ng Singapore si Bongbong.

"Fake news yung Singapore - Hindi siya maaaring pumunta ng Singapore dahil hindi na sila tumatanggap," ayon kay Lista.

Si Lista ang presidente at chief executive officer ng Philippine National Oil Company, na convenor din ng Alyansang Duterte at Bongbong Marcos (ALDAB).

Hindi rin daw totoo ang balitang nasa Singapore si Imee at masama rin ang pakiramdam.

"[N]apaka-busy niya habang tumatawag ng mga kaibigabn at gobyerno opisyal para sa mga [personal protective equipment], masks, pagkain, pera at iba pang pangangailangan para sa mga frontliners [na tumutugon sa COVID-19 outbreak," dagdag niya pa. — may mga ulat mula kina Patricia Lourdes Viray at Kristine Joy Patag

BONGBONG MARCOS LIZA MARCOS NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with