Kabilang dito ang mga doktor, nurses, medical technologists at ipa pang nasa health professionals.
Walter Bollozos
Duterte nangako ng suporta sa mga frontliners
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nangako ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga frontliners na matapang na humaharap at tinutulungan ang mga pasyenteng may COVID-19.

Kabilang dito ang mga doktor, nurses, medical technologists at ipa pang nasa health professionals.

Sa video message ni Duterte kamakalawa ng gabi, sinabi niya na makakaasa ng tulong mula sa gobyerno ang naturang mga frontliner.

Ikinalungkot din ng Pa­ngulo ang pagkamatay ng ilang doktor matapos mahawa at magkaroon ng COVID-19.

Bukod sa kanila, pinasalamatan din ng Pangulo ang mga opisyal at staff ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases na nangunguna at bumabalangkas ng mga dapat gawin para masugpo ang virus.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa Armed For­ces of the Philippines at sa Philippine National Police na tumitiyak sa kaayusan at kapayapaan sa bansa.

DUTERTE FRONTLINERS HEALTHWORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with