‘Exempted group’ may libreng sakay
Doris Franche, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magkakaloob ng lib­reng sakay ang gobyerno para sa mga tinatawag na “exempted group” o mga manggagawa na kaila­ngan pa ring pumasok sa trabaho sa gitna nang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nakarating na sa Malacañang ang problemang kinakaharap ng mga manggagawa na hindi sakop ng ban lalo na ang mga health workers.

Sinabi ni Panelo na agad na nagpadala ng army trucks si Defense Secretary Delfin Lorenzana at agad ipinag-utos sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na sunduin at ihatid ang mga istranded na manggagawa lalo na ang health workers at iba pa na exempted mula sa ban.

Ito’y upang ligtas na makarating ang mga ito sa lugar na kanilang pagta-trabahuhan at sa kanilang bahay pagkatapos ng trabaho.

Maging si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim ay tumulong sa problema at nakipag-usap sa mga kompanya ng iba’t ibang bus companies.

Tumugon ang Wescapboa transport cooperative, West Cavite Philippine Bus Operators Association, at Jasper Jean Bus Liner na nagpadala ng kanilang mga bus na nilagyan ng opisyal na MMDA logo upang maipabatid sa mga enforcement agents na nagbibigay sila ng libreng serbisyo sa publiko na exempted sa home quarantine.

Pinuri rin ng Malacañang ang AVIS Philippines para sa alok nitong pagpapasakay para sa mga outbound passengers na tutungo sa airport para makaalis ng bansa at para sa mga inbound passengers na makauwi sa kani-kanilang tahanan bago ang expiration na 72-hour grace period mula sa effectivity ng Enhanced Community Qua­rantine.

DELFIN LORENZANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with