_ngayon
^
Smartphones, gadgets sa eskuwelahan ipagbabawal
Isinulong ang House Bill 5545 ni San Jose del Monte City Rep. Rida Robes sa gitna na rin ng pagkahuma­ling ng mga estudyante sa nasabing age bracket sa paggamit ng mobile phones at iba pang electronic gadgets kung saan ay nawawala ang pokus ng mga ito sa kanilang pag-aaral.
Miguel de Guzman/File

Smartphones, gadgets sa eskuwelahan ipagbabawal

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umusad na sa Kamara ang panukalang ipagbawal ang paggamit ng smartphones at iba pang mga electronic gadgets sa lahat ng eskuwelahan sa bansa mula Grade 10 pababa.

Isinulong ang House Bill 5545 ni San Jose del Monte City Rep. Rida Robes sa gitna na rin ng pagkahuma­ling ng mga estudyante sa nasabing age bracket sa paggamit ng mobile phones at iba pang electronic gadgets kung saan ay nawawala ang pokus ng mga ito sa kanilang pag-aaral.

Nabatid na dahil sa sobrang exposure sa cellphone at mga electronic gadget ay nagkakaroon ng problema sa utak ang mga estudyante na nais ng mga mambabatas na maagapan at mapigilan.

Base sa pag-aaral, ang mga batang estudyante na nahuhumaling sa cellphone at iba pang mga electronic gadget ay nagkakaroon ng problemang psychological, problema sa kaisipan, mababa ang grado, nasasangkot sa cyber-bullying, tumataas ang depresyon na kung minsan ay humahantong sa suicide.

SMARTPHONES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with