^
Sinasakyang chopper ng PNP chief bumagsak; 2 heneral kritikal
Eksena sa pagbagsak ng helicopter na sinasakyan ni Philippine National Police Gen. Archie Francisco Gamboa.
The STAR/Russel Palma

Sinasakyang chopper ng PNP chief bumagsak; 2 heneral kritikal

James Relativo (Philstar.com) - March 5, 2020 - 12:30pm

MANILA, Philippines — Bumagsak ang sinasakyang helicopter ng hepe ng Philippine National Police na si Gen. Archie Francisco Gamboa, dahilan para isugod siya at ang mga kasama sa iba't ibang pagamutan ngayong umaga.

Kasama ni Gamboa ang pitong iba pa nang bumagsak ito sa Laguna.

Ligtas naman daw ang lahat ng mga sakay nitong police officers at piloto na nagtamo ng sari-saring injuries.

Unang dinala si Gamboa sa West Lake Hospital sa Pacita San Pedro, Laguna habang dinala naman sa South Woods Hospital ang iba pa.

Inilipat naman sina Gamboa at pitong iba pa sa St. Luke's Hospital sa Bonifacio Global City sa Taguig, pagkukumpirma ni PNO Calabarzon spokesperson Chitadel Gaoiran sa panayam ng CNN Philippines.

"Nag-uunder pa po ng medication pa po ang ating chief PNP at 'yung mga kasama po niya," bangit ni Gaoiran. 

Samantala, kritikal naman ang kondisyon ng dalawang heneral na kasama ni Gamboa, pagkukumpirma ni Police Lt. Gen. Camilo Cascolan sa ulat ng GMA News.

Kinilala ang dalawa bilang sina PNP Director for Intelligence Police Maj. Gen. Mariel Magaway at Director for Comptrollership Police Maj. Gen. Jose Maria Ramos.

Nasa mabuting lagay na rin daw ang tagapagsalita ng PNP na si Police Brig. Gen. Bernard Banac, na nakasakay din noon sa nasabing helicopter. 

Sakay din ng nasabing aircraft ang dalawang staff members at dalawang piloto.

Sinasabing sumalpok sa high tension wire ang sinasakyan nilang Bell 429 chopper dahil sa alikabok, na nagsanhi ng pagbagsak nito.

"Talaga pong... maalikabok po 'yung area. Talagang pong medyo zero visibility po. 'Yun lang po ang napansin namin," dagdag ni Gaoiran.

Nakatakda sanang dumalo si Gamboa bilang resource person sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng diumano'y money laundering ng mga Philippine Offshore Gaming Operators.

Samantala nananawagan naman ng mga panalangin si Sen. Ronald dela Rosa para kina Gamboa, na kanyang binisita sa ospital.

Dati ring hepe ng PNP si Dela Rosa, na isa sa mga nanguna sa "war on drugs" ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Ipagdasal natin ang mabilis na paggaling ng aking mga mistah; Gen. Gamboa; Gen. Ramos; Gen. Magaway; PNP PIO Gen. Banac at ang mga nalalabing pasahero at flight crew ng PNP helicopter na bumagsak sa San Pedro, Laguna ngayong araw," sabi ng senador sa Inggles.

ARCHIE GAMBOA CRASH HELICOPTER PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with