148 Pinoy sa Macau iuuwi
Nasa 148 Pinoy sa Macau ang balak uma­nong pabalikin ng bansa sa pamamagitan ng isang chartered flight.
Joven Cagande/File
148 Pinoy sa Macau iuuwi
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa pagpapauwi sa mga Pilipino na nasa Macau.

Nasa 148 Pinoy sa Macau ang balak uma­nong pabalikin ng bansa sa pamamagitan ng isang chartered flight.

Papauwiin din ng Overseas Workers Welfare Administration ang 48 aktibong miyembro nito sa pamamagitan naman ng isang commercial flight.

Pero wala pang itinakdang araw kung kailan ang dating sa Pilipinas ng mga Pinoy repatriates.

Ayon sa ulat, nasa 35,000 Pinoy ang nasa Macau na isang admi­nis­trative region ng China.

Nauna rito, tiniyak kamakalawa ng OWWA na tinutulungan ng gobyerno ang mga OFW na naka-forced leave sa Macau.

Samantala, sinabi ng kinatawan ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas na dapat paghandaan ng bansa ang posibilidad ng pagkalat ng COVID-19, na posible raw mangyari at magsimula sa kahit saang lugar sa bansa.

“Community-wide transmission may happen in any city,” sabi ni WHO country representative Rabindra Abeyasinghe.

“If you look at the experiences of Korea, Italy, or Iran, they did not start in the capital,” ani Abeyasinghe.

Sa ngayon, wala pang naitatalang kaso ng local transmission ng COVID-19.

Tatlo pa lang ang naitatalang positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Pawang mga taga-China ang mga pasyenteng nakitaan ng sakit.

DFA OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with