Inirereklamo kasi ng katiwalian, iligal na tanggalan at \\\'di makataong kondisyon sa pagtratrabaho ang security agency at pamunuan ng mall na pinagtrabahuhan ng hostage-taker na si Alchie Paray.
The STAR/Michael Varcas
Greenhills hostage-taker hindi kinukunsinti ng labor group pero kumpanya ipinasisilp sa abuso
James Relativo (Philstar.com) - March 3, 2020 - 2:15pm

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ng grupo ng mga manggagawa't empleyado ang security agency at pamunuan ng Greenhills Center management matapos ang mga paratang ng nag-amok na gwardya kahapon, na dumulo sa pagkakasugat ng isa pang security guard.

Lunes nang mabulabog ang V-Mall sa Greenhills, Lungsod ng San Juan matapos mambihag ng dose-dosena at makabaril ng isang gwardya ang gunman, na katatanggal lang daw sa trabaho.

Una nang sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora, na isa sa mga nakipagnegosasyon, na idinarain ni Alchie Paray ang kwestyonableng palakad sa kanila ng Safeguard Armor Security Corportation (SASCOR) at Greenhills management.

"[May] supposed corruption daw sa kumpanya, iligal na tanggalan at 'di makataong kondisyon ng pagtratrabaho," paliwanag ni Zamora.

Ayon kay Thadeus Ifurung, tagapagsalita ng Defend Jobs Philippines, dapat daw masilip nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Zamora ang hinaing ni Paray.

"Bagama't hindi namin kinukunsinti ang pambibihag ng inosenteng sibilyan... dapat magkaroon ng independent probe sa diumano'y mishandling ng security agency at Greenhills management sa kanilang mga tauhan, kabilang ang isyu ng korapsyon, iligal na terminasyon at inhumane working conditions," ani Ifurung.

Sana rin daw ay walang malabag na karapatan at maayos na asikasuhin ang suspek habang siya'y ipinipiit.

Humaharap si Paray sa reklamong frustrated murder, illegal possession of firearm at serious illegal detention, ayon sa ulat ng CNN Philippines.

"Kailangan ng patas na pagdinig ng kaso at mabigyan ng tamang psychosocial at post-traumatic interventions ang hostage-taker at mga bihag sa lalong madaling panahon," dagdag pa ni Ifurung. 

Tumagal nang 10 oras ang hostage taking sa pangugnuna ni Paray, na may baril at granada, kung saan halos 30 katao ang binihag.

Muli namang binuksan ng Greenhills mall ang tarangkahan nito sa publiko ngayong araw matapos humupa ng tensyon.

"Magpapatupad ng policy adjustments ang pamunuan para masiguro ang kaligtasan ng ating mga empleyado, tenants at mga suki," sabi ng mall sa isang pahayag.

 

 

Walang tanggalan?

Bagama't nangyari na ang nangyari, nanindigan naman si Fernando Solina, head ng Greenhills corporate safety, na hindi sinibak sa trabaho si Paray.

Aniya, tinamaan lang siya ng "rotation" ng shift, kung saan nadismaya raw siya nang mailipat.

Matatandaang nagbitiw ang mga opisyal ng security agency kahapon matapos humingi ng tawad kay Paray.

Matapos pakawalan ang mga bihag, ipinaliwanag ng suspek ang kanyang sarili sa press, bago kuyugin ng mga otoridad at arestuhin.

After more than 8 hrs, all hostages are out. Hostage taker Archie Paray now addressing media, one of his demands. @PhilippineStar pic.twitter.com/7p8K0dtccq

— Neil Jayson Servallos (@njservallos) March 2, 2020

Sa panayam ng media, inutusan naman na ni Bello ang kanyang undersecretary upang "agarang masilip ang [security] agency."

Sasaklawin din daw nito ang kabuuan ng mall management, pati na rin ang occupation and health standards na ipinatutupad.

"Marami silang paglabag sa labor standards. According to reports, when the Ayalas took over that mall, nagkaroon ng employment disruptions. Baka itong lalaki na ito ay isa sa mga naalis," sabi pa ni Bello.

"Sabi ni Pangulong Duterte, tignan ang mga security agency na pagmamay-ari ng mga retired generals. Maraming violations pero 'yung mga gwardya ayaw mag-testify dahil sa takot. We will conduct a complete and total investigation ASAP. May dapat managot."

Siniguro naman ng Greenhills mall na aaralin din nila ang mga akusasyon ng suspek.

"Sisilipin din ng management ang mga alegasyon ng hostage taker laban sa security agency officials na kumukuha raw ng suhol mula sa mga tenants [na] labag sa kautusan ng shopping mall," paliwanag ng management. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag at The STAR/Neil Jayson Servallos

ALCHIE PARAY DEFEND JOBS PHILIPPINES DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT FRANCIS ZAMORA GREENHILLS HOSTAGE-TAKING SAN JUAN CITY V-MALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with