^

Bansa

Aguirre idinawit sa ‘pastillas’ scheme

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Aguirre idinawit sa âpastillasâ scheme
Humarap kahapon sa Senado ang isang dating opisyal ng Bureau of Immigration na si Marc Red Mariñas at ibang mga opisyal ng BI kaugnay ng imbestigasyon sa pastillas scheme.
Kuha ni Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Isiniwalat ng kolumnistang si Ramon Tulfo na si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang protektor umano ng “pastillas” bribery scheme sa Ninoy Aquino International Airport na malayang nagpapahintulot sa pagpasok sa bansa ng mga Chinese tourist at kinasasangkutan ng ilang tauhan ng Bureau of Immigration.

Sinabi ni Tulfo na, sa impormasyong ibinigay ng immigration whistleblower na si Allison “Alex” Chiong, lumilitaw na isang bahagi ng suhol na ‘pastillas’ ay idinedeliber ng helicopter kay Aguirre sa Mulanay, Quezon.

Kaugnay nito, ipapatawag ng Senado si Aguirre.

 Sinabi ni Senador  Risa Hontiveros na tagapangulo sa  Senate Committee on Womens, Childrens, Family Relations and Gender Equalitys na sa susunod na pagdinig ay ipapatawag nila si Aguirre bago maglabas ng committee report at mag-adjourn ang kongreso.

“Siya po (Aguirre) ang protektor ng sindikato base sa ni-report sa akin ni Mr. Chiong,” sabi ni Tulto sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng komite ni Hontiveros.

Ang pastillas scheme ay ibinunyag noong nakaraang buwan ni Hontiveros na nagsabing ang mga Chinese national na pumapasok sa Pilipinas bilang turista pero magtatrabaho kinalaunan sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hubs ay nagbabayad sa ilang tauhan ng Bureau of Immigration at Chinese at Filipino travel agencies ng P10,000 na suhol na nakabalot sa papel na parang pastillas.

Sinabi pa ni Tulfo na ‘kinapon’ ni Aguirre ang kapangyarihan ni Immigration Commissioner Jaime Morente at kinuha niya ang kapangyarihang kumuha, magtalaga o maglipat ng puwesto ng mga tauhan ng BI. Ito anya ang dahilan kung bakit nakapagtrabaho sa BI si Marc Red Mariñas na isa sa umano’y protektor ng mafia sa immigration at ang ama nitong si Maynardo Mariñas.

Pinabulaanan ni Mariñas na gumamit siya ng Helicopter para magdeliber ng suhol sa Mulanay at inakusahan niya si Chiong na nagprodyus at nagdirihe ng video na nagpapakita sa pastillas schemes na tumatanggap sa mga turistang Intsik.

 

VITALIANO AGUIRRE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with