^
Klase sa bansa âdi sususpindihin - Palasyo
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, walang nakikitang rason ang pamahalaan para ipatigil ang klase.
STAR/File

Klase sa bansa ’di sususpindihin - Palasyo

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2020 - 12:00am

Kahit highest level na ang COVID-19

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagtataas ng World Health Organization (WHO) ng global virus risk ng COVID 19 sa maximum level, walang plano ang Malakanyang na suspindihin ang klase sa buong bansa.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, walang nakikitang rason ang pamahalaan para ipatigil ang klase.

Katunayan, sinabi ni Panelo na hanga ang WHO sa pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19.

Una nang nagsuspinde ang ilang eskwelahan sa Japan dahil sa COVID-19

Samantala, pinakakalma ng Malakanyang ang publiko sa kabila ng paglalagay ng WHO sa ‘very high level’ ang Coronavirus Disease o COVID-19.

Wala aniyang dapat na alalahanin ang publiko dahil maayos ang pag-contain ng Pilipinas sa COVID-19.

Ani Panelo, nakalatag na ang lahat ng protocols para masiguro na maayos na natutugunan ng pamahalaan ang COVID-19.

Sinabi pa ni Panelo na regular na nagpupulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Di­sease para i-assess ang epekto ng COVID-19 sa bansa.

COVID-19 KLASE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with