^

Bansa

Japan isasama na sa travel ban

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng isama na sa travel ban ang Japan sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.

Kahapon ay muling naglabas ng bagong criteria ang Inter-agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases kung saan nakasaad ang mga bansa na masasama sa travel ban.

Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III, ang unang criteria ay depende sa kasalukuyang estado ng local transmission ng nasabing sakit sa bansa, pangalawa ang dami ng pagdagsa ng turista sa isang bansa.

Kahapon lang ay pina­kiusapan ng mga awtoridad na iwasan muna ang pagpunta sa South Korea upang makaiwas sa sakit.

Samantala, nakabalik na ng bansa ang walong Pinoy crew ng MV Diamond Princess cruise ship sa Japan matapos unang tamaan ng coronavirus disease.

Ipinabatid ng DOH na ang walo ay mula sa 10 Pinoy crew ng cruise ship na gumaling na at nagnegatibo na sa sakit at nakalabas na ng ospital.

Ayon kay DOH assistant secretary Maria Rosario Vergeire, ang mga naturang Pinoy crew ay kabilang sa 80 Pinoy mula sa MV Diamond Princess na tinamaan ng virus.

Ang mga nasabing Pinoy ay itinuturing na persons under monitoring (PUM).

Sa 80 nagpositibo sa sakit, 10 ang gumaling at nagnegatibo na sa tests.

vuukle comment

TRAVEL BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with