^

Mababang sahod ‘di rason sa korapsiyon

(Pilipino Star Ngayon) - February 29, 2020 - 12:00am

Sen. Go sa government workers

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Senator Christopher Lawrence “Bong’’ Go ang mga kawani ng gobyerno na hindi makuntento sa kanilang suweldo na magbitiw na lang sa serbisyo at ibigay ito sa mga taong nais maglingkod nang tapat sa ating bayan.

“Marami pong Pilipino ang gustong magtrabaho ng tapat. Para sa mga hindi kuntento sa pagseserbisyo nang tapat, mas mabuting ibigay niyo na lang po ang inyong trabaho sa ibang tao na ginugustong magserbisyo sa bayan at hindi ang magpayaman,’’ ani Go. 

Sa nakaraang Senate inquiry, lumitaw na may ilang empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na humihingi ng lagay o “kotong” sa mga travel agencies o turista na pumapasok sa bansa kahit na walang visas.

Ikinatuwiran nila na wala kasi silang overtime pay kasabay ng hiling na itaas ang kanilang sahod.

Ngunit ayon kay Sen. Go, hindi rason ang mababang suweldo para maging corrupt.

“Pumasok tayo sa gobyerno para magserbisyo. Hindi po para yumaman. Prayoridad natin ang maglingkod sa tao. Kapakanan ng kapwa Pilipino ang palagi nating unahin.’’ 

Sinabi ng senador na ginagawa ng Duterte administration ang lahat upang matugunan ang panga­ngailangan at kapakanan ng mga kawani ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng mas maayos na kompensasyon.

Tiniyak naman ni Go sa BI employees na suportado niya ang panukalang Salary Standardization Law na magtataas sa salary grade ng BI officers.

Anya, hihilingin niya sa mga kasamang mambabatas na agad itong maisabatas.

 

KORAPSIYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with