^

Bansa

Mga gusali sa Metro Manila guguho sa Intensity 8

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maraming istruktura sa Metro Manila ang posibleng gumuho at masira sakaling tumama ang intensity 8 na lindol.

Ayon kay Phivolcs Director at DOST Undersecretary Renato Solidum sa Meet the Press forum ng National Press Club (NPC), walang mahalaga at mainam na paraan kundi ang laging handa para sa pagliligtas ng buhay at ari-arian.

Aniya, mahalaga ang tulong ng lokal na pamahalaan sakaling magkaroon ng sakuna dahil sila ang mas nakakaalam sa kalagayan ng mga residenteng maaapektuhan.

Sakaling tumama ang intensity 8, ilang gusali sa Maynila ang maaapektuhan ng liquefaction o paglubog, tsunami at pagbaha.

Mainam din aniyang huwag munang magtayo ng anumang istraktura sa lugar na mataas ang panganib tulad na lamang ng mga bulkan na aktibo o maaaring sumabog anumang oras.

Payo rin ni Solidum, na habang may nangyayaring aktibidad sa mga bulkan, mas ma­i­ging huwag munang buma­lik ang mga residente sa paligid nito dahil walang kasiguraduhan dito.

vuukle comment

INTENSITY 8

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with