^

Bansa

'Anti-graft czar' Dante Jimenez itinalagang co-chair ng ICAD

James Relativo - Philstar.com
'Anti-graft czar' Dante Jimenez itinalagang co-chair ng ICAD
Si Jimenez ang kukuha sa posisyong iniwan ni Bise Presidente Leni Robredo.
File

MANILA, Philippines — Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "anti-graft czar" na si Dante Jimenez bilang bagong co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs, Biyernes.

Bago ilipat sa ICAD, matatandaang itinalaga ni Duterte si Jimenez bilang chairperson ng Presidential Anti-Corruptiopn Commission noong 2018.

Si Jimenez ang kukuha sa posisyong iniwan ni Bise Presidente Leni Robredo.

Makakatuwang ni Jimenez si Philippine Drug Enforcement Agency director general Aaon Aquino sa bagong trabaho, na siya ring chairperson ng ICAD.

Kilala ang bagong opisyal bilang isa sa mga pinuno ng Volunteers Against Crime and Corruption, na dati nang nananawagan para maipanumbalik ang parusang kamatayan.

Pagtanggal kay Robredo

Matatandaang tinanggal bilang pinuno ng ICAD si Robredo, na kilalang kritiko ng madugong "war on drugs" ni Duterte, noong Nobyembre.

Tumagal lamang ng ilang linggo ang ikalawang pangulo sa pwesto.

Tinanggap noon ni Robredo ang pagiging co-chair kahit na hindi siya sang-ayon sa pamamaraan ng administrasyon kaugnay ng pagsugpo ng droga.

"[K]ung mayroon akong maililigtas na kahit isang inosenteng buhay, ang sinasabi ng prinsipyo at puso ko ay kailangan ko itong subukan," sabi niya nang kunin ang alok.

Matapos ang kanyang termino, lumabas na 44% lang ng mga Pilipino ang kuntento sa kanyang naging trabaho, ayon sa survey ng Social Weather Stations.

Bagama't wala pa ito sa kalahati ng populasyon, 26% lang ang nagsabing hindi sila nasiyahan sa kanyang ginawa habang 30% ang undecided. — may mga ulat mula sa ONE News

vuukle comment

DANTE JIMENEZ

ICAD

INTER-AGENCY COMMITTEE ON ANTI-ILLEGAL DRUGS

LENI ROBREDO

PRESIDENTIAL ANTI-CORRUPTION COMMISSION

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with