^

Bansa

OFWs na positibo sa COVID-19 pumalo sa 85

James Relativo - Philstar.com
OFWs na positibo sa COVID-19 pumalo sa 85
Makikitang nakasuot ng face masks ang mga manggagawang ito sa isang pagawaan ng sapatos sa Tsina habang nananalasa ang COVID-19 sa kanilang bansa.
AFP/Noel Celis

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 85 Pilipinong nagtratrabaho sa ibayong-dagat ang kumpirmadong tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19), pagkukumpirma ng Department of Health, Biyernes.

Sa isang press conference, sinabi ni Health Secretary Francico Duque III na nanggaling ang mga kaso mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig:

Japan

  • 70 (nasa ospital)
  • 10 (napalabas na)

United Arab Emirates

  • 2

Hong Kong

  • 2

Singapore

  • 1

Dagdag ni Duque, 30 patients under investigation (PUIs) ang in-admit na sa iba't ibang pagamutan para sa posibleng COVID-19, as of 12 p.m. ngayong ika-28 ng Pebrero.

Nasa 585 pasyente na ang napalabas ng mga ospital habang 531 na sa kanila ang nagnegatibo na sa sakit.

Kasalukuyang hinihintay ang resulta ng 40 iba pa.

Isyu ng repatriates

Samantala, dalawang repatriates naman na inuwi ng Pilipinas ang isinugod sa mga pagamutan matapos makaranas ng pananakit ng lalamunan.

Nangalap na ng mga specimen mula sa kanila at ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine upang suriin.

Matatandaang inuwi ng bansa ang ilang Pilipino mula sa Tsina at Japan dahil sa banta ng sakit doon.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang lumapag sa Pilipinas ang nasa 445 Pilipino mula sa Japan, na nanggaling sa virus-hit MV Diamond Princess. 

Nagnegatibo ang mga nabanggit at daraan sa 14-day quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Pero hindi lahat ng mga uuwi ng Pilipinas mula sa mga bansang may COVID-19 ay kinakailangang ipadala sa NCC.

"If these [overseas Filipinos] who wish to be repatriated are coming from countries such as Macau and now... select areas in South Korea, and they show no symptoms, they will undergo home quarantine," dagdag ni Duque kanina.

"They will just be persons under monitoring and in home quarantine."

Una nang ipinataw ng gobyerno ng gobyerno, sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease, ang pansamantalang travel ban sa mga nais bumiyahe patungong South Korea.

Tanging mga OFWs, mga nag-aaral at mga permanenteng residente lang ng Korea ang papayagang pumunta roon, sa gitna ng pagtaas ng mga kaso roon. — may mga ulat mula sa The STAR

vuukle comment

COVID-19

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with