^

Bansa

National Task Force vs ASF binuo ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
National Task Force vs ASF binuo ni Duterte
Nakapaloob ito sa Executive Order 105 na nilagdaan ng Pa­ngulo nitong Pebrero 21 at epektibo agad.
AFP/File

MANILA, Philippines — Bumuo na si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang national task force para pigilan ang pagpasok ng mga animal-borne diseases gayundin para ma-contain at ma-control ang pagkalat nito sa bansa.

Nakapaloob ito sa Executive Order 105 na nilagdaan ng Pa­ngulo nitong Pebrero 21 at epektibo agad.

Ito ay bunsod na rin ng pagkalat ng African swine fever (ASF) sa bansa na matindi na ang epekto sa hog industry.

Ang task force ang tututok sa implementas­yon ng mga polisiya at bubuo sa mga strategies para masugpo ang pagkalat ng ASF.

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na ang “backyard” at commercial farms sa ilang lugar sa Luzon ay apektado na rin ng ASF virus at mahigit na sa 67,000 baboy ang pinatay sa pamamagitan ng culling para makontrol ang pagkalat ng nasabing sakit.

Ang National Task Force on Animal-Borne Diseases (NTFAD) ay pamumunuan ng kalihim ng Department of Agriculture (DA) habang vice chairperson ang kalihim ng Department of Health (DOH).

Makakasama sa task force ang executive secretary at mga kalihim ng DILG, DENR, DTI, DOF, DBM, DSWD, DFA, DOTr at Defense.

Manggagaling ang funding sa task force sa mga pondo ng member-agencies.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

NATIONAL TASK FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with