State of calamity idineklara ni Duterte sa Calabarzon
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2020 - 12:00am

Sa pagsabog ng Taal

MANILA, Philippines — Idineklara na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa buong Calabarzon (Region 4-A) dahil sa nangyaring pagputok ng Taal Volcano noong Enero.

Layunin ng Proclamation 906 na nilagdaan ni Duterte noong Pebrero 21, na mapabilis ang rescue, relief at rehabilitation efforts ng gobyerno at ng pribadong sektor.

Dahil sa deklarasyon, magkakaroon ng price control sa mga pangunahing bilihin sa mga apektadong lugar.

Tatagal ng isang taon ang state of calamity maliban na lamang kung agad din itong babawiin.

Nauna rito, inaprubahan ng Pangulo noong Pebrero 4  ang panukala na bigyan ng nasa 5,448 housing units ang mga pamilyang nasa loob ng pitong kilometrong radius danger zone na malapit sa Taal Volcano.

Base sa records, nasa 129,171 pamilya o 483,389 indibiduwal sa Batangas, Quezon, Laguna at Cavite ang naapektuhan nang pagsabog ng Taal.

Patuloy namang nasa alert level 2 status ang naturang bulkan at ipinaiiral ang 7 km permanent danger zone sa paligid nito.

TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with