Ayon sa chairperson ng Senate committee on public services, kinakailangan pa ng "concurrent resolution" mula sa Senado at Kamara bago mabigyan ng provisional authority ang dambuhalang media network.
Senate PRIB/Joseph Vidal
Utos ng Kamara sa NTC kaugnay ng ABS-CBN 'provisional authority' hindi sapat, ani Poe
(Philstar.com) - February 27, 2020 - 7:30pm

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng pamunuan ng Senate committee on public services ang ginagawang aksyon ng Kamara pagdating sa prangkisa ng Kapamilya Network, gayunpaman, hindi pa rin daw ito sapat upang maging ligal ang pag-ooperate nito habang dinidinig ang mga franchise bills sa Konggreso.

Hinikayat kasi ni Palawan Rep. Franz Alvarez, ang House committee on legislative franchise chair, ang National Telecommunications Commission na bigyang otoridad ang ABS-CBN sa pagseserbisyo hangga’t hindi pa nadidisisyunan ng ang 11 panukalang batas na tumatalakay sa kanilang franchise renewal.

Pero ayon kay Sen. Grace Poe, na chair ng nasabing komite sa Senado, kinakailangan pa rin ng "concurrent resolution" mula sa Senado at Kamara bago mabigyan ng provisional authority ang dambuhalang media network.

"We welcome the decision of the House to finally give NTC the necessary guidance on the ABS-CBN franchise. However, I share the opinion that a concurrent resolution by the Senate and the House is needed to allow the network to operate while the 18th Congress tackles its franchise renewal," sabi ni Poe, Huwebes.

"Kailangang malinaw ito para maisarado na rin ang isyu."

Una nang naghain ng concurrent resolution kaugnay nito si Sen. Franklin Drilon kahapon, bagay na susuportahan din daw ni Sen. Manny Pacquiao.

'Kung makulong ang ABS-CBN execs, sasamahan ko sila'

Tila taliwas naman 'yan sa sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano kanina.

Martes kasi nang sabihin niya na pwede nang magpatuloy sa pag-broadcast ang ABS-CBN matapos niyang sulatan ang NTC habang patuloy nilang pinaguusapan ang pag-renew ng prangkisa.

Nakatakdang mapaso ang prangkisa ng kumpanya sa ika-4 ng Mayo.

"Ngayon, kung may makukulong sa ABS-CBN dahil nag-broadcast sila habang naghi-hearing kami, eh 'di samahan ko sila sa kulungan. Ikulong niyo na rin ako dahil ako ang nakapirma sa sulat," wika niya ika-27 ng Pebrero.

Kasalukuyang pinagsusumite ng House committee ang mga mambabatas ng kani-kanilang position paper pabor o laban sa aplikasyon ng sa loob ng 60 days mula ika-24 ng Pebrero, 2020.

Maliban sa ABS-CBN Corp., pinabibigyan nina Cayetano at Alvarez ng provisional authority ang sumusunod na subsidiaries ng kumpanya:

  • ABS-CBN Convergence, Inc.
  • Sky Cable Corporation
  • Amcara Broadcasting Network, Inc.

Bagama't pabor si Cayetano na magpatuloy ang ABS-CBN sa ere, matatandaang nanggalaiti siya sa Senado nang magsimula ng sariling hearing ang Senado kaugnay ng mga diumano'y "franchise violations" ng kumpanya.

Sa ngayon, hindi pa rin sinisimulan ng Kamara ang mga pagdinig ng legislative franchise ng Dos. — Philstar.com intern Krizzia Mae Furio at may mga ulat mula sa News5

ABS-CBN ALAN PETER CAYETANO GRACE POE LEGISLATIVE FRANCHISE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with