^

Bansa

Panelo binisita ang burol ng ina ni Robredo sa Naga City

Philstar.com
Panelo binisita ang burol ng ina ni Robredo sa Naga City
Ginawa ito ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit na kritiko si Robredo ng madugong "war on drugs" ng administrasyon.
Released/OVP

MANILA, Philippines — Personal na dumalo sa wake ng yumaong ina ni Bise Presidente Leni Robredo si presidential spokesperson Salvador Panelo, Miyerkules ng gabi.

Ginawa ito ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit na kritiko si Robredo ng madugong "war on drugs" ng administrasyon.

Si Sally Gerona, ang ina ni Robredo, ay namatay noong Sabado.

Si Gerona ay 83-anyos nang mamatay, ayon sa Facebook post ni Robredo.

Una nang sinabi ni Panelo sa isang press briefing kahapon na pupunta siya sa Naga City sa ngalan ng pangulo. 

Si Duterte ay hindi nakapunta sa burol dahil humahadlang daw ang ilang trabaho ng pangulo para makiramay sa ina ng vice president. 

"[I]nuulit namin ang aming pakikidalamhati sa pamilya ni VP Leni sa pagkamatay ng [kanyang] ina. Pupunta ako roon para ipahayag ang aming pakikidalamhati," sabi ni Panelo sa reporters sa Inggles.

"Nananalangin kami na tanglawan ng ilaw si G. Gerona, at na ang kanyang kaluluwa, sa pamamagitan ng awa ng Diyos, ay mamayapa sa walang-hanggang kaligayahan at katahimikan."

Kilala sina Panelo at Robredo na parehong tubong Bikol. 

Samantala, nagpaabot din ng kanyang pakikiramay si Sen. Leila de Lima sa ikalawang pangulo ngayong Huwebes.

"Ang aking taimtim na panalangin, pakikiramay at pakikidalamhati sa iyong pamilya, VP Leni," sabi ng nakapiit na senadora.

Si Gerona, na kilala sa tawag na "Ma'am Sally" ng kanyang mga estudyante, ay isang guro at inilaan ang kanyang buhay sa pagtuturo at paggabay ng mga student journalists, drama at ballet student-artists. — Philstar.com intern Gabriel Ann Gabriel at may mga ulat mula sa ONE News

vuukle comment

LEILA DE LIMA

LENI ROBREDO

SALLY GERONA

SALVADOR PANELO

WAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with