Hinimok ni Poe ang ABS-CBN na ituloy lang ang kanilang trabaho at responsibilidad sa pagbibigay ng patas na impormasyon habang tinatalakay ng Kongreso ang isyu kaugnay ng prangkisa.
STAR/Geremy Pintolo/File
Poe sa ABS-CBN: ‘Wag matakot, maging patas sa pagbabalita
(Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Sen. Grace Poe ang ABS-CBN na huwag matakot at maging patas sa kanilang pagbabalita.

Hinimok ni Poe ang ABS-CBN na ituloy lang ang kanilang trabaho at responsibilidad sa pagbibigay ng patas na impormasyon habang tinatalakay ng Kongreso ang isyu kaugnay ng prangkisa.

“Kung may mali wag matakot, at kung may tama, ‘wag din naman tipirin ang pagbibigay-pugay, so balansehin, ‘yan ang dasal ko na habang nagkakaroon ng walang–kasiguruhan ay manatiling patas at ‘wag matakot,” pahayag ni Poe sa panayam ng ANC kahapon.

Nilinaw ni Poe na ang ipinagkakaloob sa Kongreso ay awtoridad sa pagkakaloob at pagbasura sa prangkisa alang-alang sa interes ng publiko pero hindi ito dapat gamitin upang busalan ang kalayaan sa pamamahayag tulad sa kaso ng broadcasting network.

Pinamumunuan ni Poe ang Senate committee on public services kung saan nagsasagawa sila ng pagdinig kaugnay sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN na mapapasok sa Mayo 4 sa taong ito.

Suportado ni Poe ang concurrent resolution na isinumite ni Senate Minority Leader Franklin Drilon para pahintulutan ng National Telecommunication Commission ang ABS-CBN mag-broadcast kahit expired ang prangkisa.

Sang-ayon din si Poe sa joint resolution para sa extention ng network’s franchise hanggang 2022 hangga’t hindi pa napagtitibay ang renewal.

Sinabi ni Poe na may negatibong epekto sa press freedom ang pagkakabalam sa pagpapatibay ng prangkisa ng naturang network.

ABS-CBN GRACE POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with