Ayon sa source, may ilang congressman na ang humihimok sa kapwa nila mambabatas para mapatalsik na sa puwesto si Cayetano at mahawakan na ito ni Marinduque Congressman Lord Allan Velasco para maagang makaupo bilang Speaker ng Kamara de Representante.
STAR/File
Kudeta vs Cayetano niluluto sa Kamara
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May nagpaplanong ‘i-kudeta’ si Speaker Alan Peter Cayetano na ginagamit ang isyu ng national budget at ABS-CBN franchise.

Ayon sa source, may ilang congressman na ang humihimok sa kapwa nila mambabatas para mapatalsik na sa puwesto si Cayetano at mahawakan na ito ni Marinduque Congressman Lord Allan Velasco para maagang makaupo bilang Speaker ng Kamara de Representante.

Ayon sa source sa loob ng Kongreso, sa Oktubre pa uupong Speaker si Velasco kung kailan hihimayin na ang pambansang badyet para sa 2021 sa Kamara.

Pero ang gusto umano ng kampo ni Velasco ay ngayon pa lang makaupo na ito gamit ang mga alokasyon sa mga proyekto sa ilalim ng 2021 national budget para pilitin ang mga kongresista na suportahan siya sa planong patalsikin si Cayetano, ayon pa sa impormante.

Una rito, tinukoy ni Capiz Rep. Fredenil Castro ang isang “kaluluwang ligaw” na nagtatangka umanong harangin ang pondo sa alokasyon ng mga kongresista.

Sa kanyang matalinhagang privilege speech, sinabi ni Castro na ang binabalak ng taong hindi nito pinangalanan ay harangin ang pagpapatupad ng mga proyekto ng mga kongresista para sa kanilang mga distrito.

Ayon sa kongresista, hindi nila maintindihan kung bakit may ganitong pagtatangka gayung maayos namang nairaos sa Kamara at Senado ang pagpasa sa national budget na pinirmahan ni Pangulong Duterte.

“Kapag hindi pumayag ang congressman sa plano niya, binabantaan na masi-zero ang distrito nito pagdating sa alokasyon ng mga proyekto sa 2021 budget,” dagdag pa ng source. 

Sa ilalim ng term-sharing agreement, si Cayetano ay unang uupo bilang Speaker sa unang 15 buwan ng 18th Congress. Susunod si Velasco sa Oktubre ng taong ito hanggang matapos ang Kongreso kaya mas mahaba ang panahon niya dahil 21 buwan siyang uupo bilang Speaker. 

ABS-CBN ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with