Sakay ang mga Pinoy ng dalawang chartered flights mula sa Haneda Airport sa Japan.
AFP/Philip Fong/File
445 Pinoy mula Japan nakauwi na
Doris Franche, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakauwi na sa bansa ang 445 Pinoy mula sa Japanese cruise ship na MV Diamond Princess.

Sakay ang mga Pinoy ng dalawang chartered flights mula sa Haneda Airport sa Japan.

Dumating ang unang batch na may 309 Pinoy crew sa Harrison Hangar sa Clark Airbase, Pampanga Martes ng gabi habang ang ikalawang flight na may 136 pasahero ay dumating alas-12:12 ng hatinggabi noong Pebrero 26.

Sasailalim ang mga repatriates sa 14-day quarantine sa New Clark City sa Tarlac.

Wala namang kahit anong sintomas ng coronavirus ang lahat ng umuwing Pilipino mula sa cruise ship sa Japan, ayon sa DOH.

Pinayagang makabalik sa bansa ang mga Pinoy matapos ilabas ang negatibong laboratory results para sa COVID-19 na isinagawa ng Japanese Ministry of Health, Labour and Welfare.

Lahat ng repatriates, kasama ang mga DFA at DOH repatriation team members at PAL flight crew ay dinala sa Athletes’ Village sa New Clark City para sa 14-day quarantine.

Sa datos, 80 Pinoy sa cruise ship ang nagposi­tibo sa naturang virus, 70 dito ay nasa ospital sa Tokyo habang ang 10 iba pa ay nakalabas na at naghahanda na para makabalik ng bansa.

MV DIAMOND PRINCESS PINOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with