LGUs tinaningan ng 90 araw vs The Big One
(Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binigyan kahapon ng 90 araw na palugit ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga Local Government Units para i-assess o inspeksyunin ang mga gusali at imprastraktura bilang paghahanda sa pagtama ng The Big One o 7.2 magnitude na malakas na lindol sa Metro Manila.

Ayon kay Año, ang mga opisyal ng mga pamahalaang lokal na hindi tatalima ay mahaharap sa kasong administratibo at kriminal na ang kaparusahan ay ‘dismissal’ o pagkakatanggal sa puwesto at hindi na ma­aa­ring tu­makbo sa anumang posisyon sa gobyerno. 

“This is more requi­ring the fast track of assessment,” anang opis­yal sa pinangangamba­hang pagtama ng The Big One kapag gumalaw ang West Valley Fault line.

Kabilang sa mga ma­aapektuhan ay ang Grea­ter Metro Manila Area (GMMA) na kinabibila­ngan ng Metro Manila, Pampanga, Bataan, Zambales, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Laguna, Cavite, Rizal, Batangas at Quezon.

Sa pagtaya naman ni Maria Antonia Bornas, hepe ng Volcano Monitoring and Eruption Division, mahigit 40,000 katao ang mamamatay, 34,000 dito ay sa Metro Manila at ang iba pa ay sa mga karatig lugar kapag tumama ang The Big One sa Greater Manila Area.

Nangako naman ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na paiigti­ngin pa ang pagtugon sa Disaster Resilience and Preparedness program.

Inihayag naman ni DPWH Secretary Mark Villar na 5,980 gusali ang kasalukuyang sumasai­lalim sa ‘risk assessment’ sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon at maging sa Central Luzon. (Joy Cantos)

THE BIG ONE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with