^

Bansa

445 Pinoy mula sa barkong tinamaan ng COVID-19 lumapag ng Pilipinas

James Relativo - Philstar.com
445 Pinoy mula sa barkong tinamaan ng COVID-19 lumapag ng Pilipinas
Kuha ng mga pinauwing Pilipinong nanggaling sa MV Diamond Princess cruise ship, na nakadaong sa Japan.
DFA/Released

MANILA, Philippines — Nakarating nang lahat ang 445 Pilipong pinauuwi ng bansa matapos makasakay ng barko na lubhang tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Lumapag ang unang batch ng 309 pasahero kagabi mula Haneda Airport sa Japan habang dumating naman ang nalalabing 136, Miyerkules nang umaga.

Dumating ang dalawang batches ng repatriates matapos ilikas sa MV Diamond Princess cruise ship, kung saan kumalat ang nakamamatay na sakit.

 

"Pinayang bumaba ng barko ang mga repatriates matapos ilabas ng Japanese Ministry of Health na negatibo ang kanilang laboratory results," sabi ng Department of Foreign Affairs sa Inggles.

"Parehong tinanggap ang mga nasabing flights sa Haribon Hangar sa Clark Airbase, Pampanga." 

Pare-parehong magtutungo sa New Clark City Athletes' Village sa Capas, Tarlac ang mga repatriates, kasama ang team ng DFA at Department of Health para sa 14-araw na quarantine program.

Sari-saring amenities ang tiniyak ng gobyerno para sa mga pinauwi upang masigurong kumportable at "at home" sila habang inihihiwalay sa iba.

Umaabot sa 538 ang Filipino crew at pasaherong sakay ng barko, kung saan nagpositibo sa COVID-19 ang 19. Tubong Pilipinas ang ilang nagpositibo.

Isinagawa ang pagbabalik-bansa ng mga Pilipino sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, sa pakikipagtulungan ng gobyernong Hapon.

vuukle comment

2019-NCOV

COVID-19

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DIAMOND PRINCESS CRUISE SHIP

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with