^

Bansa

Travel ban sa South Korea pinag-aaralan na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Travel ban sa South Korea pinag-aaralan na
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nog­rales, krusiyal ang ga­gawing pagpupulong ngayong araw ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para pag-usapan kung kailangan na bang isama ang South Korea sa travel ban dahil sa patuloy na pagdami ng nasabing sakit.
AFP/Jung Yeon-je

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng pamahalaan kung magpapatupad ng travel ban sa South Korea matapos itaas sa highest alert ang kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nog­rales, krusiyal ang ga­gawing pagpupulong ngayong araw ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para pag-usapan kung kailangan na bang isama ang South Korea sa travel ban dahil sa patuloy na pagdami ng nasabing sakit.

Mayroon nang 893 kaso ng COVID-19 sa South Korea matapos makapagtala ng panibagong 60 kaso sa nakalipas na magdamag.

“I think they are attributing it to a particular church in South Korea wherein there was one attendee who was apparently positive for COVID-19 and she infected a lot of churchgoers there,” ayon kay Nograles.

Dahil dito, pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga Pinoy na iwasan munang magtu­ngo o magbiyahe sa South Korea partikular sa Daegu City at Cheong­do na may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Pinayuhan din ang mga Pinoy na masusing bantayan ang sitwasyon sa South Korea bago magpasyang bumiyahe roon.

Samantala, muling nanawagan si Health Sec. Francisco Duque III sa publiko na huwag nang gumamit ng face mask kung wala namang sakit.

Ang mas mahalaga aniya ay palakasin ang immune system at pananatili ng kalinisan sa katawan.

“Basta maghugas ka na lang ng kamay mo. 20 seconds. Mas madalas, mas maigi. O kaya magpunas ng alcohol. Mag­baon ng panyo, panangga sa pagsinga, bahing at ubo para ‘di ka makahawa. At kung meron ka namang sakit, manatili ka na lang sa tahanan mo at mag-mask ka,” dagdag ni Duque.

 

vuukle comment

TRAVEL BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with