^

Bansa

Pinoy na may COVID-19 sa Japan cruise ship, 80 na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pinoy na may COVID-19 sa Japan cruise ship, 80 na
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 21 ang nadagdag mula sa 59 na positibo sa sakit dahilan para umabot na sa 80 ang bilang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 80 ang mga Pinoy na may COVID-19 mula sa MV Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 21 ang nadagdag mula sa 59 na positibo sa sakit dahilan para umabot na sa 80 ang bilang.

Gayunman, pawang mga mild naman aniya ang sintomas ng mga Pinoy at patuloy na binabantayan ang kanilang kondisyon.

Samantala, nananatili sa dalawang Pinoy ang nakumpirmang may COVID-19 sa UAE.

Ang isa sa kanila na 38-anyos ay masusing binabantayan sa ospital dahil sa hindi magandang kondisyon.

Mayroon namang tig-isang Pinoy na positibo sa sakit sa Hong Kong at Singapore.

Sa kabuuan mayroong 84 na Pinoy na positibo sa COVID-19 sa apat na mga bansa. Malou Escudero

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with